Muling nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produkto sa ilalim ng tax reform law.
Epektibo simula 12:00 ng hatinggabi inilarga ng Flying V ang P0.35 na price increase sa kada litro ng gasolina habang P0.50 sa diesel at kerosene.
Magpapatupad naman mamayang 6:00 ng umaga ng kahalintulad na dagdag presyo ang Phoenix Petroleum, Unioil, Eastern Petroleum, PTT, Seaoil, Shell, Jetti, Total at Petron.
Ang panibagong price increase ay dulot ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagkaroon din ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo at nilinaw ng Department of Energy (DOE) na wala pa itong kaugnayan sa dagdag excise tax sa ilalim ng Tax Reform Law bagkus ito’y epekto ng price increase sa world market.