Inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang ika-anim na linggong taas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong araw.
Epektibo alas 12:01 kanina nang ipatupad ng Flying V ang 50 sentimos na umento sa kada litro ng gasolina, 60 sentimos sa kerosene at 35 sentimos sa diesel.
Ganito rin ang umento ng mga kumpaniyang Shell, PTT Philippines, Petron, Seaoil, Unioil, Jetti, Phoenix at Eastern Petroleum epektibo ala 6:00 ngayong umaga.
Sa kabuuan, papalo na sa halos anim na Piso ang itinaas ng diesel habang mahigit limang Piso naman sa gasolina kung idaragdag na rito ang ipinataw na excise tax sa gasoline.
Posted by: Robert Eugenio