Asahan na ang malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil industry, posibleng matapyasan ng 6.30 pesos hanggang 6.50 pesos sa kada litro ng diesel.
Habang nasa 5.70 pesos hanggang 5.90 pesos naman ang posibleng mabawas sa kada litro ng gasolina.
Kinumpirma ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang oil price rollback.
Ayon kay Abad, nasa 4 hanggang 6 pesos kada litro ang mababawas sa oil products.
Magugunita nagpatupad noong Martes ang mga kumpanya ng langis ng malakihang tapyas na 3 pesos sa kada litro ng diesel habang 3.40 pesos sa kerosene.