Matapos ang limang sunod na price hike, may aasahan namang rollback sa presyo ng langis ang oil companies epektibo bukas, Nobyembre 21.
Batay sa datos ng Department of Energy o DOE, maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 ang posibleng maging rollback sa kada litro ng gasolina.
Sampu (P0.10) hanggang P0.20 naman ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel habang maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Ayon sa DOE, ang malikot na presyuhan pa rin ng langis sa pandaigdigang pamilihan ang siyang sanhi ng pagbaba ng presyo ng langis ngayong linggong ito.
Magugunitang umabot na sa P3 ang itinaas sa presyo ng gasolina habang nasa P1.75 naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
—-