Magpapatupad na ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis simula ngayong araw.
10 sentimos ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene nasa 25 sentimos naman ang tapyas sa kada litro ng diesel.
Unang magpapatupad ng kumpaniyang Cleanfuel alas kuwatro uno mamayang hapon.
Habang ala sais naman ng umaga ng Nobyembre 5, Martes ang mga kumpaniyang Shell, Petron, Phoenix at Petro Gazz.
Inaasahang susunod na rin sa anunsyo ng tapyas presyo ang iba pang mga kumpaniya ng langis bukas, Nobyembre 4, Lunes.