Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na may aasahang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Batay sa ulat ng oil industry sources kay Energy Officer in Charge Zenaida Monzada, maglalaro sa P0.70 hanggang P0.85 ang iro-rollback sa presyo ng kada litro ng gasoline.
Habang P0.60 hanggang P0.80 naman ang inaasahang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Ayon sa DOE, mataas ang suplay ng langis sa merkado bunsod ng nangyayaring financial crisis sa Greece at ang humihinang halaga ng euro sa palitan gayundin ang pangampang paghina ng ekonomiya ng China
Kapag nagkataon, ito na ang pangatlong sunod na linggo na magpapatupad ng rollback sa kanilang mga produkto ang mga kumpaniya ng langis.
By Jaymark Dagala