May nakaambang panibagong tapyas presyo sa mga produktong petrolyo anumang araw ngayong linggong ito.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya ng langis, naglalaro sa P1.00 hanggang P1.20 ang posibleng i-rollback sa kada litro ng gasoline.
Sampu (P0.10) hanggang P0.20 naman ang posibleng maging rollback sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Sa sandaling maipatupad, ito na ang ikawalong sunod na linggong nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpaniya ng langis sa kanilang gasolina at diesel.
By Jaymark Dagala