Posibleng makahinga ng maluwag ang mga motorista sa susunod na linggo dahil sa nakaambang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa tatlong araw na monitoring sa oil trading ng ilang source sa industriya ng langis, nasa halos piso ang posibleng ibaba sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Pero may ilan namang sources na nagsasabing posibleng nasa apatnapu (P0.40) hanggang limampung sentimos (P0.50) lamang ang posibleng ibaba sa presyo ng diesel habang nasa nobenta sentimos (P0.90) lamang ang posibleng rollback sa gasolina.
Pero ayon sa DOE o Department of Energy, malaki ang naging epekto ng posibleng pagpapataw ng sanction ng Amerika sa Iran na siyang nagpahupa sa pangamba ng kakulangan sa suplay ng langis kaya’t bumaba ang presyuhan nito sa world market.
Batay sa tala ng DOE, may kabuuang anim na piso at pitumpu’t limang sentimos (P6.75) na ang itinaas sa presyo ng diesel habang nasa anim na piso at labinlimang sentimos (P6.15) naman ang ibinaba sa presyo ng gasolina sa kada litro nito mula noong Enero ng taong kasalukuyan.
—-