Inanunsiyo ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy na posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay OIMB-DOE director Rino Abad, sa kanilang taya ay posibleng umabot sa mahigit piso ang tapyas sa kada litro ng gasolina, halos dalawang piso sa kada litro ng diesel, habang mahigit piso naman sa kada litro ng kerosene.
Aniya, isa sa mga factor na nakaapekto sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ang pagdagdag sa produksiyon ng krudo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries.
Samantala, inasahang ilalabas ng mga oil company ang pinal na presyo na itatapyas sa kada litro ng produktong petrolyo sa Lunes.