Sa ikatlong sunod na linggo, inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang tapyas-presyo sa kanilang mga produkto.
Buena manong nagpatupad ang Caltex ng P1.95 centavos na rollback sa kada litro ng gasolina; P1.90 centavos sa diesel habang P1.65 centavos sa kerosene, epektibo alas -12 kaninang hatinggabi.
Ala-6 kanina umarangkada rin ang kahalintulad na bawas presyo ng Flying V, Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Petrogazz, Seaoil at JETTI Petroleum.
Alas 8:01 naman mamayang umaga ipatutupad ng Cleanfuel ang kanilang rollback maliban sa kerosene o gaas.
Ito ang unang beses na nagrollback ang presyo ng oil products ngayong Disyembre, bunsod ng epekto ng Covid-19 lockdown sa China, mas mataas na oil inventories at magkakasunod na interest rate hikes sa U.S.
Pang-limang beses naman itong bawas-presyo simula noong Oktubre a – 24.