Halos 2.3 million Pinoys ang walang trabaho noong 2018 at 18% dito o nasa 368,000 ay pawang college undergraduates.
Batay ito sa labor force survey na isinagawa ng Department of Labor and Employment na siyang nagtulak kay Mr. Henry “Tatang” Sy, Jr., visionary founder ng SM conglomerate para isulong ang libreng pagpapaaral sa mga mahihirap, subalit deserving Pinoy students.
Malaki ang paniniwala ni Tatang na magkaka-ugnay ang eduational attainment at employment o trabaho ng isang indibidwal at suweldo nito para mapalakas ang human capital na kinakatawan ng mga kabataang Pinoy.
Ang anito’y better educated workforce ay magsisilbing pinakamahalagang aspeto sa isang bansa tulad ng Pilipinas na ang populasyon ay pangunahing susog sa ekonomiya.
Tinukoy ni Tatang ang mga kabataan bilang solusyon para matulungan ang bansa sa pagkalas mula sa kahirapan.
Binigyang-diin pa ni Tatang na ang pagbibigay ng access sa quality tertiary at vocational education sa mga kabataan ay makatutulong ng malaki para maisulong ang estadong pang-ekonomiya ng kani-kanilang buhay.
Sa kasalukuyan, ang scholarship program ng SMFI ay nakapag-produce na ng mahigit 3, 400 college scholars kung saan 99% ang mayroong trabaho.
Sa pamamagitan ng scholarship program ng SM Foundation, naipatutupad ang vision ni Tatang na burahin ang kahirapan sa pamamagitan nang pagbibigay ng scholarship grants sa mga mahihirap, subalit deserving students.
Ang nasabing hakbangin ay konstribusyon ng SM sa achievement ng United Nations Sustainable Development Goals 4 sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga oportunidad para sa quality education ay maibibigay para sa mga kabataan lalo na sa mga bahagi ng grassroots communities.
Kaugnay nito, inilabas ng SMFI ang schedule ng pag-screen ng mga aplikante para sa school year 2023-2024 kung saan itinakda sa:
1.February 1-March 31, 2023 ang application period
2.April 29, 2023 (Saturday) – online exam
3.May 8-31, 2023: virtual interview and virtual house visits
4.June 5-30: Confirmation of School and Course/Slots of Scholars (by phone)
at para sa mga nais mag-apply, paki click ito:
https://www.sm-foundation.org/sites/default/files/upload-file/Scholarship%20Online%20Application%20Process%20Flow.pdf