Mariing kinondena ng Malakaniyang ang panibagong pag atake ng New People’s Army (NPA) sa Borongan, Eastern Samar kahapon, December 13.
Ito ay sa kabila na rin ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF sa The Netherlands.
Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan at mga civil society group para resolbahin ang problema ng insurgency sa bansa.
Dalawa ang nasawi sa pag-atake kabilang ang pulis na si Patrol Mike Rama at isang sibilyan.
Habang hindi naman bababa sa 14 ang sugatan kung saan 8 ay mga pulis na miyembro ng public safety force.
Nangyari ang pag-atake dakong 3:00 ng hapon, kahapon sa Barangay Libuton kung saan pinasabugan ng IED at pinaulanan ng bala ng mga rebelde ang mga awtoridad.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)