Nakahanda na ang Amerika sa paglulunsad ng panibagong pag-atake laban sa Syrian government.
Ayon sa Pentagon, nakatanggap sila ng intelligence report na ikinakasa na ng Syrian government sa Al Shayrat Airfield ang panibagong chemical attack sa mga teritoryong hawak ng mga rebelde.
Hindi rin umano ligtas sa pag-atake ng Estados Unidos ang Russia at Iran sakaling kunsintihin at suportahan ng mga ito ang aksyon ng Syria.
Gayunman, itinanggi ng Syrian at Russian government ang akusasyon ng Amerika at iginiit na naghahamon lamang ito ng panibagong away.
Sakaling anilang idamay ng Amerika ang Russia at Iran ay tiyak na hahantong sa mas malaking digmaan ang nagpapatuloy na Syrian civil war.
By Drew Nacino
Panibagong pag-atake sa Syria pinaghahandaan na ng US was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882