Nakiisa si Special Assistant to the President Bong Go sa isinagawang ikalawang worldwide walk to fight poverty ng Iglesia ni Cristo sa Roxas Blvd kahapon ng umaga.
Pinuri ni Go ang INC sa ginagawa nitong charity walk para makatulong at malabanan ang kahirapan.
Bunsod nito, hinimok ni Go ang iba pang religious groups, organisasyon at mga local government units na magsagawa din ng mga kaparehong proyekto.
Ikinagalak naman ni Go ang nakamit ng INC na bagong world record para sa largest human sentence matapos umabot sa 23,235 na katao ang nakibahagi sa pagbuo ng mga salitang “Proud to be a member of Iglesia ni Cristo.”
Samantala, aminado naman si Go na nasorpresa siya sa dami ng lumahok at nakiisa sa naturang proyekto.