Mariing kinondena ng Palasyo ang pagpugot ng Abu Sayyaf sa kanilang bihag na si Robert Hall.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, nakikiramay at nakikidalamhati ang Pilipinas sa pamilyang iniwan ni Hall.
Nagpasalamat din si Coloma sa pamahalaan ng Canada sa ipinakita nitong pang-unawa at pagsuporta sa hindi pagbabayad ng ransom.
Forensic exam
Hawak na ng PNP Crime Laboratory ang specimen ng ulo ng hinihinalang si Robert Hall.
Sinabi ni Crime Lab Dir. Police Chief Supt. Emmanuel Aranas na kanilang pinuntahan sa isang mortuary sa Pasay ang ulo ni Hall, pagdating nito sa Manila mula sa Sulu.
Isasailalim ang specimen sa forensic exam at sa DNA test upang malaman kung kay Hall talaga ito.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23) | Jonathan Andal (Patrol 31)