Umarangkada na ang panibagong bigtime price hike sa mga produktong petrolyo.
Epektibo 12:01 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Caltex ang dagdag P1.45 sentimos sa gasolina habang P2.05 sentimos sa Diesel at Kerosene.
Mamayang ala-6 ng umaga ipatutupad din ng Shell, Petron, Seaoil, Flying V, PTT Philippines at Phoenix ang kahalintulad na price hike habang mamayang alas kwatro uno ng hapon ang Cleanfuel.
Ito na ang ika-6 na sunod na linggong oil price increase bunsod ng paggalaw ng presyo sa international market dahil sa lumalaking demand habang papalapit ang taglamig sa North America, Europe at ilang panig ng Asya.—sa panulat ni Drew Nacino