Itinanggi at kinontra ni Senator antonio trillianes ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi saklaw ng kanyang nilagdaang waiver ang foreign at joint accounts dahil siya lang ang may waiver.
Nilinaw ni Trillanes na sa ilalim ng ni-rebisa o binagong implementing rules and regulations ng Anti-Money Laundering Law, nakasaad na saklaw ng kapangyarihan ng Anti-Money Laundering Council ang mga political exposed people, immediate family, close relationship at associates.
Sakop din nito ang lahat ng related o lahat ng account na pagmamay-ari o kontrolado ng owner at holder ng accounts.
Pagdating naman ng foreign accounts, nakasaad sa Rule 13 na maaaring humingi ng tulong o magrequest ang AMLC sa mga dayuhang bansa para makuha ang mga mahalagang impormasyon at dokumento na kailangan kaugnay sa sinasabing money laundering offense.
Samantala, iginiit ng Senador na kumpleto at wala ng lusot ang Pangulo sa inilabas niyang waiver kung saan saklaw na nito single o kahit joint accounts.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE