Matapos lumutang ang pangalang Mary Grace Piattos, isang ‘Kokoy Villamin’ naman ang lumitaw sa mga kuwestyunableng resibo na isinumite ng Office of the Vice President at Department of Education.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, lumabas ang nasabing pangalan sa iba’t ibang acknowledgement receipts na may magkakaibang sulat-kamay at lagda.
Una nang lumitaw ang pangalang “Mary Grace Piattos,” na pinagsamang pangalan ng isang kainan at sitsirya, na umani ng negatibong reaksyon mula sa publiko.
Sa kabila ng isang milyong pisong pabuya tungkol sa katauhan ni Piattos, wala pa ring lumalapit o nagbibigay ng impormasyon hinggil dito.