May tsansang maaprubahan o makalusot na sa Kongreso ang panibagong panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law na isusumite ng ehekutibo sa Kongreso.
Ito ayon kay Senador Sonny Angara ay kung mahusay ang pagkakasulat nito, kung dumaan sa mahusay at malawakang konsultasyon gayundin kung susuportahan ito ng Palasyo.
Sinabi naman ni Senador Gregorio Honasan na ang paglusot ng BBL ay nakasalalay kung naremedyuhan o naitama na ang mga nakita nuon ba depektibo sa naunang bersyon ng BBL.
Samantala hindi pa masabi ni Angara kung siya bilang Chairman ng Committee on Local Government ang hahawak ng pagdinig sa isusumiteng BBL.
Ayaw naman niya aniyang pangunahan ito kayat hihintayin niya kung sa kaniyang komite ito maire refer.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Panibagong panukalang BBL may tsansa umanong maaprubahan sa Kongreso was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882