Makararanas ng maagang penitensya ang mga motorista ngayong semana santa.
Ito’y makaraang i-anunsyo ng Department of Energy ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Piso hanggang piso diyes sentimos ang inaasahang dagdag presyo sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng price increase ang mga kumpanya ng langis ngayong marso.