Nakatakdang maghain ng panibagong petition for bail ang kampo ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa Sandiganbayan.
Ito’y makaraang ihayag ng United Nations Working Group on arbitrary detention na labag sa karapatang pantao at iligal sa ilalim ng international law ang patuloy na pagkaka-piit kay Arroyo.
Ayon kay Larry Gadon, abogado ni ginang Arroyo, ibabase nila ang kanilang petisyon sa rekomendasyon ng U.N.
Nanindigan si Gadon na dapat pagbigyan ang kongresista na makapag-piyansa habang nililitis ang kanyang kasong plunder kaugnay sa maanomalya umanong paggamit sa intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
By: Drew Nacino