Nagpatupad na ng taas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis.
Epektibo ala-6:00 ngayong umaga, P0.25 ang taas presyo ng kumpaniyang Shell at Chevron sa kada litro ng gasolina habang P0.10 sa kada litro ng kerosene.
Sa gasolina lamang may pagtaas ang kumpaniyang Phoenix Petroleum sa kaparehong oras habang halos P3 ang idinagdag ng soLane sa presyo ng Liquified Petroleum Gas o LPG.
Dalawang piso at nobenta’y singko sentimos (P2.95) naman ang dagdag sa kada kilo ng LPG o P32.40 sa kada 11 kilogram na tangke nito.
Alas-12:01 naman kaninang hatinggabi, nagpatupad ng P2.50 dagdag sa kada litro ng LPG ang kumpaniyang Liquigaz.
Dalawang piso at nobenta sentimos (P2.90) naman sa kada litro ang ipatutupad price hike ng kumpaniyang Eastern Petroleum, epektibo ala-6:00 kanina nang ipatupad naman ng Petron ang P1. 65 na dagdag sa presyo ng kada kilo ng Auto LPG.
By Jaymark Dagala