Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto.
Epektibo alas-12 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng
Caltex ang P1.50 na dagdag sa kada litro ng diesel; P1.30 sa gasolina habang P1.45 sa kerosene.
Nagpatupad din ng kahalintulad na price hike mamayang ala-6 ng umaga ang Petron, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Unioil, Seaoil, Petrogazz at Shell.
Mamayang alas-4 naman ng hapon aarangkada ang dagdag-presyo ng Cleanfuel.
Ito na ang ikapitong sunod na linggong oil price increase bunsod ng lumiliit na supply sa international market. —sa panulat ni Drew Nacino