Plano ng Bureau of Jail Management and Penology na magtayo ng panibagong Quezon City Jail.
Magkakahalaga ang proyekto ng 3 Billion Pesos na itatayo sa 2.3 hectare na lupa ng Payatas at matatapos sa taong 2020.
Ayon kay Jail Superintendent Randel Latoza, warden ng Quezon City Jail, sa ngayon ay nasa conceptual stage pa ang proyekto na inaasahang sisimulan ang konstruksyon sa susunod na taon.
Mahigit 50 taon na anya ang kasalukuyang piitan kung saan siksikan ang mga bilanggong aabot sa 2700 kaya’t napipilitan ang mga ito na matulog na lamang sa mga hagdan.
Samantala, nasa Quezon City Government na ang desisyon kung ano ang gagawin sa lumang kulungan sa oras na matapos ang bagong gusali.
By: Drew Nacino