Pormal nang binuksan sa Marikina City ang isa sa pinakamalaking quarantine facility para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito’y makaraang i-turn over ng Department of Public Works and Highways (dpwh) ang nasabing quarantine facility kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro kahapon.
Matatagpuan ang 163 bed capacity na pasilidad sa Kabayani Road sa barangay Nangka kung saan, nasa 37 container vans ang ginawang mga silid na kumpleto sa kagamitan tulad ng kama, air-conditioning unit at may sariling palikuran.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Teodoro na mayroon na silang walong quarantine facility sa lungsod kung saan, tatlo rito ay nasa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, isa sa Marikina Hotel, isa sa Marikina Convention Center, isa sa Marikina Sports Center at may isang bunker.
Ipinagmalaki naman ni DPWH Sec. Mark Villar na ang panibagong quarantine facility na ito sa Marikina ay bahagi ng flagship infrastructure program ng pamahalaan sa ilalim ng Build, Build, Build.