Inilatag ng pamahalaan ang panibago nitong quarantine protocols para sa mga dayuhang papasok ng bansa, simula sa unang araw ng Pebrero.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang naturang hakbang ay bilang pagsunod sa bagong polisiya ng Inter-Agency Task Force.
Mababatid sa naturang kautusan, kinakailangan nang magprisinta ang mga banyagang turista ng valid at existing visa sa pagpasok ng bansa.
Bukod dito, oobligahin na rin ang pagkakaroon ng pre-booked accommodation sa mga accredited na quarantine hotels o facilities.
Samantala, gagawin naman ang swab test para sa COVID-19, sa ika-anim na araw mula sa pagdating ng mga ito sa Pilipinas.