Inaasahang iaanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte bukas ng gabi sa kanyang ‘Talk to the People’ ang bagong quarantine status sa NCR plus at iba pang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magpupulong pa ang IATF sa irerekomendang bagong quarantine status sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan na Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite gayundin ang Quirino, Abra at Santiago City sa Isabela.
Binigyang diin ni Roque na ibabase ang bagong quarantine classification sa science at hard data bagamat lumulutang ang mga rekomendasyon mula sa mga health expert at OCTA research group na palawigin pa ng isang linggo ang MECQ partikular sa NCR plus.
Ang NCR plus at ibang lugar sa bansa ay nasa ilalim ng MECQ hanggang sa Biyernes, April 30.