Muling nakapagtala ng record-high na daily COVID-19 cases sa bansa.
Sa datos ng DOH, sumirit sa 28,707 ang panibagong kaso kahapon kaya’t balik sa 128,114 ang active cases habang lumobo na sa 2, 965, 447 ang kabuuang kaso.
Ito na ang pinaka-mataas na daily cases na naitala mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Nakapagtala rin ng karagdagang 2,579 recoveries dahilan upang lumundag na sa 2, 785, 183 ang mga gumaling.
Umabot naman sa 52,150 ang namatay makaraang madagdagan ng 15 ang death toll.
Ang Metro Manila pa rin ang nangunguna sa may pinakamataas na kaso na 16,803 o 59% sa nakalipas na dalawang linggo na sinundan ng CALABARZON, 5,821 o 20% at Central Luzon, 2,841 o 10%.