Handa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na magsagawa ng panibagong retrieval operation sa Tacloban City.
Ito’y upang marekober ang iba pang labi ng mga sinalanta ng super bagyong Yolanda may dalawang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Alexander Pama, naghihintay lamang sila ng request mula sa lokal na pamahalaang nakasasakop sa lugar.
Inihayag ito ni Pama bunsod na rin ng pagkakatuklas sa iba pang mga bangkay nitong weekend kasabay ng ikalawang anibersaryo ng pananalasa ng super bagyo.
Sa kasalukuyan, nakapako pa rin ang tala ng NDRRMC sa 7,350 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan ng mundo.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal