Muling nagsagawa ng rocket engine test ang North Korea at ito na ang kanilang ikalawang pagsasanay, ngayong buwan.
Ayon sa Amerika, ang rocket engine test ay posibleng bahagi ng kanilang programa para makagawa ng ICBM o Inter-Continental Ballistic Missile.
Tinawag ni North Korean Leader Kim Jong Un, ang unang rocket engine test na “new birth” sa kanilang rocket industry.
Ang pagde-develop ng North Korea ng ICBM ay maaaring maging banta sa Amerika na siyam na libong (9,000) kilometro lamang ang layo sa NoKor, lalo na at ang mga ICBM ay mayroong minimum range na limang libo at limang daang (5,500) kilometro.
By Katrina Valle