Sa ikawalong sunod na linggo, nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis na epektibo ngayong araw.
Sinasabing P0.45 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel at gasolina habang P1.00 kada litro naman sa kerosene ng Pilipinas Shell, Seaoil, Flying V, Eastern Petroleum at Phoenix Petroleum.
Ayon kay Fernando Martinez, Chairman at Chief Executive Officer ng Eastern Petroleum, ang price rollback ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa Pandaigdigang Merkado.
Subalit, sa kabila ng sunod-sunod na price adjustments, tila wala pa ring balak ang mga grupo ng tsuper na humirit ng bawas-pasahe sa jeep at taxi.
By Jelbert Perdez