Muling magpapatupad ng panibagong tapyas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa Caltex, Shell, at Seaoil, magkakaroon ng rollback na P0.45 sa kada litro ng gasolina, P1.45 sa kada litro ng diesel at P1.70 naman sa kerosene.
Ipatutupad din ng Cleanfuel at Petrogazz ang kaparehong price adjustment maliban sa kerosene.
Nabatid na ang rollback ay bunsod ng pangamba sa recession sa Europe at Estados Unidos, at lockdown sa China dahil sa Covid-19.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy hanggang nitong August 23, ang year-to-date total adjustments ay may net increase na P18.15 sa kada litro ng gasolina; P31.70 sa kada litro ng diesel; at P27.10 naman sa kada litro ng kerosene.