Good news para sa mga motorista.
Asahan na naman ang tapyas-presyo sa produktong petroleum sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), posibleng magbawas ng P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ng diesel habang P3.00 naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene.
Habang wala pang kasiguruhan kung may tapyas o dagdag sa presyo sa kada litro ng gasolina.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo, matapos ang malakihang rollback noong pagtatapos ng Agosto.