Kasado na bukas ang ipatutupad na rollback sa produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc., magkakaroon ng P0.35 na tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa kada litro ng diesel at P0.45 sa kada litro ng kerosene.
Ipapatupad din ng Petro Gazz ang kaparehong bawas-presyo maliban sa kerosene.
Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy, pumalo na sa P16.45 ang year-to-date total adjustments sa net increase ng kada litro ng gasolina, P38.50 sa kada litro ng diesel, at P29.65 naman sa kada litro ng kerosene.