Inaasahan ang rollback sa presyo ng petrolyo ng gasolina at kerosene sa Martes, ika-13 ng Abril.
Nasa 30 sentimo hanggang 40 sentimo kada litro ang ibababa sa presyo ng gasolina.
Habang 10 sentimo hanggang 15 sentimo ang rollback kada litro sa kerosene.
Walang namang paggalaw sa presyo ng diesel sa world market.
Ang nangyaring rollback ay dahil sa desisyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC na unti-unting magdagdag ng produksyon ng langis.
Samantala posibleng bumaliktad ang trend sa susunod na linggo kung magkakaroon ng magandang balita sa malalaking bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin