Bubusisiin ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad ng panibagong Salary Standardization Law.
Nakasaad sa panukalang P5.268 trillion budget para sa 2023, nasa P49.5 million dito ang inilaan sa mga Governance Commission ng mga Government Owned Controlled Corporation (GCG).
Ipinabatid ni Finance secretary Benjamin Diokno na posible sa 2024 ay magkaroon ng bagong taas sahod ang mga empleyado ng gobyerno.
Samantala, magsasagawa muna ng pag-aaral ang GCG para sa panibagong tranche ng Salary Standardization.