Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome.
Gayunman, nag-iwan ito ng pinsala sa ilang lugar sa CALABARZON habang sa Bicol ay nasagip ang dalawang mangingisdang inabutan ng bagyo sa laot.
Samantala, may binabantayan namang Lower Pressure Area o LPA ang PAGASA na nasa layong 595 kilometro sa silangan ng General Santos City, South Cotabato.
Inaasahang maghahatid ito ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at thunderstorm sa mga rehiyon ng CARAGA, Davao, SOCCSKSARGEN at Misamis Oriental na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.
—-