Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong araw na ito ang panibagong Low Pressure Area o LPA na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ipinabatid ito ng PAGASA na nagsabing ang naturang LPA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,000 kilometro silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang silangang bahagi ng Mindanao ay apektado na ng extension ng LPA samantalang ang northeast monsoon naman ay nakakaapekto sa dulong Hilagang Luzon.
—-