Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Surigao del Norte.
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 715 kilometro silangan ng Surigao City.
Kasamang nakakaapekto sa naturang LPA ang habagat na magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Laguna, Rizal, Quezon, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Compostela Valley at Davao Oriental.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ang ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap nba kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.
—-