Isang panibagong low pressure area o LPA sa loob ng bansa ang binabantayan ngayon ng PAGASA.
Huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 60 kilometro kanluran ng Ambulong, Batangas.
Bagama’t maliit ang tiyansa nitong maging ganap na bagyo, inaasahang palalakasin pa rin nito ang habagat na magdadala naman ng pag-uulan sa Western Visayas, Palawan at Mindoro.
Habang inaasahan naman ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Samantala, mas lumakas pa ang mino-monitor na bagyo ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR na may international name na typhoon Jongdari.
Huling namataan ito sa layong 2,020 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon.
Wala naman inaasahang direktang epekto sa bansa ang typhoon Jongdari.
—-