Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Batanes.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng LPA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 800 kilometro silangan ng Basco.
Sinabi ng PAGASA na posibleng maging bagyo ang nasabing LPA sa loob ng 24 hanggang 48 oras at papangalanang Neneng.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay makakaranas ng maalinsangang panahon maliban sa mga panandaliang pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.
—-