Posibleng pumasok sa bansa sa Miyerkules o Huwebes, ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Ayon kay Glaiza Escollar, weather forecaster ng PAGASA, huli itong namataan sa 2, 900 kilometro sa silangan ng Luzon.
Sinabi ni Escollar na sa ngayon ay LPA pa lang ang sama ng panahon, subalit posibleng isa na itong tropical depression, kapag pumasok na ito sa bansa.
By Katrina Valle | Ratsada Balita