May namataang Low Pressure Area o sama ng panahon na nakapaloob sa Inter Tropical Convergence Zone sa Dagat Pasipiko.
Huli itong namataan sa layong 2,500 kilometro silangan ng Visayas.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong weekend.
Samantala muling makararanas ng mainit na panahon ang Metro Manila ngayong umaga hanggang sa tanghali ngunit katulad kahapon asahan ulit ang pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat mamayang hapon at gabi.
Ang Inter Tropical Convergence Zone naman ang nakakaapekto sa southern Luzon at Visayas.
Dahil dito magiging maulan sa Bicol Region, CALABARZON, Mindoro, Samar at Leyte.
Uulanin din ang western section ng northern Luzon lalo na sa Baguio at Abra.
Sa Mindanao asahan ang mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.
By Mariboy Ysibido