Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) na nasa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Jun Galang, Weather Forecaster ng PAGASA, ito ay nasa labas pa ng bansa subalit posibleng lumapit sa bansa dahil na rin sa umiiral na hanging habagat.
Pinaalalahanan din ni Galang ang publiko na palaging maghanda para sa pag-ulan lalo na sa dakong hapon o gabi.
By Katrina Valle | Ratsada Balita