Nagpataw ng panibagong sanctions ang Estados Unidos at ilan pang mga bansa laban sa Russia.
Kasunod ito ng full-scale invasion ng russia sa Ukraine.
Tinukoy ni us President Joe Biden si Russian president Vladimir Putin na isang ”aggressor.”
Aniya, haharapin ni Putin at ng kanyang bansa ang mga consequence na makakaapekto sa kanilang ekonomiya.
Sinabi pa ni Biden na katuwang niya ang mga kasapi ng european union, at ilan pang kaalyadong bansa.