Tinawag ni US President Donald Trump na worst deal ever ang nilagdaang kasunduan ng Iran at ng mga world powers tulad ng Amerika.
Ito ang dahilan kaya’t sinabi ni Trump na hindi maaaring pagkatiwalaan muli ang Iran sa kabila ng nilagdaan nitong kasunduan hinggil sa paggawa ng nuclear bomb.
Kasunod nito, kinumpirma ng White House na ikinakasa na nito ang panibagong sanction laban sa Iran dahil sa kanilang ballistic missile program.
Magugunitang lumagda ang Iran sa kasunduan nahindi na gagawa ng mga armas nuclear kapalit ng pagbawi nito sa ipapataw na sanction ng international community.
By Jaymark Dagala
Panibagong sanction laban sa Iran ikinakasa na ng US was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882