Pinatawan ng panibagong sanctions ng Amerika ang anim na North Korean at Isang Russian, ilang araw matapos magpakawala ng hinihinalang hypersonic ballistic missile ang Nokor.
Ayon sa US Treasury, layunin ng sanctions na mapigilan ang advancement ng weapons programs ng north korea na maaaring gamitin laban sa US at mga kaalyado nitong bansa.
Ang mga pinatawan ng sanction ay responsable sa pagbili ng mga materyales mula sa Russia at China para sa weapons programs ng Nokor.
Samantala, tiniyak naman ni US State Department Spokesman Ned Price ang kanilang commitment na panatilihin ang diplomasya sa Asya at ipagtanggol ang mga kaalyadong bansa, tulad ng South Korea laban sa mga bantang hatid ng mga Armas Nukleyar.