Asahan na muli ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa pagtataya ng mga kompanya ng langis, papalo sa P4.30 hanggang P4.50 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P1.50 hanggang P1.60 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.
Inaasahang ipapatupad ito sa Martes, Hunyo 14 hanggang 20.