Binatikos ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), ang panibagong taas-presyo sa langis na epektibo kaninang umaga.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Orlando Marquez, presidente ng LTOP na isa na namang pasakit sa mga tsuper ang ipinatupad na dagdag presyo.
Dahil dito, naniniwala si Marquez na panahon na upang maghanap ng alternatibong paraan, bilang solusyon sa epektong idinulot ng oil price hike.