Asahan na bukas ang panibagong price increase sa mga produktong petrolyo.
Sa tansya ng Department Of Energy, nasa 50 sentimos hanggang 70 sentimo ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina; 90 hanggang P1 sa diesel habang 80 hanggang 90 sentimos sa kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong magpapatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa kanilang mga produkto ngayong buwan.
Ilan sa mga dahilan ng dagdag-presyo ang pananalasa ng hurricane Ida sa mga oil platform, refineries at pipelines sa U.S. gulf coast. —sa panulat ni Drew Nacino